Pages

Friday, November 21, 2014

MPDO humingi ng paumanhin sa mga tinamaan ng road setback sa Boracay

Posted November 21, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay       

Humihingi ngayon ng paumanhin si mismong Municipal Planning Officer Alma Beliherdo sa mga tinamaan ng road setback sa isla ng Boracay.

Ito’y matapos nilang simulang bigyan ng notice ang mga kabilang sa mga lumabag sa road ordinance o Municipal Ordinance No.2000-131 nitong mga nakaraang linggo.

Ayon kay Beliherdo sinusunod lang nila ang ang utos ng Local Government Unit ng Malay para sa kapakanan ng isla ng Boracay.

Sinabi pa nito sa mga kabilang sa road setback na mag-comply nalang sila para agad na maisaayos ang widening project ng LGU Malay.

Nabatid na nakapagbigay na rin sila ng unang notice at pangalawang notice sa mga bahay at establisyemento na kasama sa setback na ngayon ay nag-uumpisa na ring magbaklas.

Napag-alaman na ito ay ordinansang nag-uutos na dapat magkaroon ng anim na metrong road set back mula sa sentro o gitna ng kalsada ang anumang temporary o permanent structures.

No comments:

Post a Comment