Pages

Wednesday, November 12, 2014

Miss Earth Beauties 2014, sasabak sa coastal clean-up sa Boracay

Posted November 12, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Susuyurin ng 28 naggagandahang kandidata ng 2014 Miss Earth Beauties mula sa ibat-ibang bansa ang beach front ng Boracay bukas ng umaga.

Sasabak kasi sila ng Coastal Clean-up, coral planting at vegetation tree planting bukas sa pangunguna ng Boracay Foundation Incorporated at Boracay Beach Management Program ng Lokal na Pamahalaan ng Malay.

Ayon kay Raffy Cooper, marketing Officer ng BFI at isa sa organizer ng nasabing aktibidad, ito umano ay bahagi ng Miss Earth 2014 competition na gaganapin sa Nobyembre 29 sa University of the Philippines Theater sa Quezon City.

Layunin umano nito na maipaabot sa kanila kung ano ang ginagawang pagpapahalaga pagdating sa pangangalaga ng turismo ng Boracay katulad ng restoration at coral refurbishment program.

Sa kabilang banda magpapakitang gilas naman ang 28 kandidata ng 90 official candidates bukas ng alas-7 ng gabi sa kanilang Resort Wear Attire competition na gaganapin sa Casa Pilar Beach Resort Boracay.

Nabatid na ang 90 kandidata ay hinati sa tatlong grupo kung saan ang 28 ay napunta sa Boracay at ang dalawang grupo ay sa ibang lugar naman sa bansa nagkaroon ng environmental activity.

Samantala, sa mga nais manuod may 100 ticket na inilaan ang BFI para sa mga gustong bumili na nagkakahalaga ng P1,
000 kung saan ang dalawangpung porsyentong kikitain dito ay mapupunta sa coral restoration ng BFI at ang 80 ay mapupunta naman sa Carousel Productions, Inc na organizer ng nasabing event.

No comments:

Post a Comment