Pages

Wednesday, November 12, 2014

Larawan ng mga turistang natulog sa Boracay grotto nitong Linggo, pag-aaralan ng Municipal Auxiliary Police

Posted November 12, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Pag-aaralan umano ng MAP o Municipal Auxiliary Police ang larawan ng mga turistang natulog sa Boracay grotto nitong Linggo.

Ayon kay MAP Deputy Chief Rodito Absalon Sr, ipipresenta niya sa kanilang meeting ang mga nasabing litrato upang mapag-usapan at maisama sa kanilang security deployment plan.

Aminado rin kasi si Absalon na dapat tutukan ang Boracay Rock dahil na rin sa mga nangyaring nakawan at iba pang krimen doon.

Sinabi pa nito na dapat irespeto maging ng mga turista ang lugar dahil na rin sa ipinatayong grotto doon katulad ng pagrespeto ng mga lokal na residente at mananampalatayang Katoliko sa isla.

Magugunitang umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga nagpapalitratong bakasyunista sa grotto ang tila ‘triping’ na pagtulog sa Boracay Rock ng anim hanggang pitong mga turistang kalalakihan.

No comments:

Post a Comment