Pages

Tuesday, November 18, 2014

Mga Tourism front-liners na nagbigay ng positive impact sa Boracay pararangalan umano ng DOT

Posted November 18, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hindi lang ang magandang turismo ng isla ng Boracay ang pinagtutuunan ngayon ng pansin ng Department Of Tourism (DOT) Region 6.

Kung saan kabilang din dito ang mga tourism front liners sa isla na nagbigay ng positive impact sa Boracay pagdating sa pangangalaga ng turismo at mga turista.

Ayon kay Department of Tourism regional director Helen Catalbas, sa susunod na buwan umano ay balak nilang magkaroon ng programa para bigyang parangal ang mga front-liners sa isla dahil sa kanilang pagiging honest sa pamamagitan ng pagbabalik ng mga gamit na naiwala ng mga turista.

Isa naman sa ginawang halimbawa ni Catalbas ay ang tricycle driver sa Boracay na nagsauli kamakailan lang ng perang P40.000 na naiwan sa kanyang sasakyan na pagmamay-ari ng isang Koryana.

Sinabi pa nito na ang pagiging honest ay isang magandang bagay na may “great impact” sa turismo na kung saan ay magiging kampante ang mga bisita sa Boracay.

No comments:

Post a Comment