Pages

Tuesday, November 18, 2014

Mahigit 400 kompanya at establisemyento sa Boracay, ginawaran ng Certificate of Compliance ng DOLE

Posted November 18, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Mahigit 400 kompanya at establisemyento sa Boracay ang ginawaran ng Certificate of Compliance ng DOLE o Department of Labor and Employment.

Ipinagkaloob ang mga nasabing sertipiko nitong umaga kasabay ng Launching of Productivity Improvement Project sa Cagban Jetty Port at Installation of Marker na nagdedeklarang Labor Law Compliant Tourist Destination ang isla ng Boracay.

Kamakailan lang, muling inilarga ng DOLE Provincial Office ang Industry-wide General Assessment sa isla upang matiyak na sumusunod sa Labor Standards ang mga nasabing kompanya at mga establisemyento.

Nabatid na balido ang certificate sa loob ng dalawang taon.

Ipinagkaloob ni mismong DOLE Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz ang mga sertipiko sa mga kompanya ng resorts, laundry services operators, restaurants at iba pa.

Samantala, ilalarga naman bukas ng DOLE sa isla ang isang Orientation Seminar on Labor Standard Book 6 at Book 3.

No comments:

Post a Comment