Pages

Thursday, November 20, 2014

Mandatory wearing of life jacket sa mga pasahero ng bangka, nagmistulang lokohan lang

Posted November 20, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Nagmistulang lokohan lang ang pagpapatupad ng mandatory wearing of life jacket sa mga pasahero ng bangka.

Ito ang obserbasyon ng ilan din mismong pasahero ng bangka sa tuwing inoobliga sila ng mga boat crew na magsuot ng life jacket.

Subali’t kapansin-pansin na nangyayari lamang ito kapag naririyan at nagbabantay ang mga taga PCG o Philippine Coastguard.

Ibig sabihin, malayang nakakaalis ang bangka kahit walang suot na life jacket ang kanilang mga pasahero, kapag walang nagbabantay.

Ang siste, nalilito tuloy ang mga pasahero sa kung ano ba ang dapat at kung kailan dapat magsuot ng life jacket.

Dahil din dito, hinuhubad at hinahawakan na lamang ng mga pasahero ang life jacket kapag nasa kaligitnaan na ng biyahe.

May mga nagsasabi naman na ok lang kahit hindi ito isuot, basta hawakan lang.

Dahil dito, isang survey ang ginawa ng himpilang ito tungkol sa pagsusuot ng life jacket, kung saan aming nabatid na mas gusto parin ng nakapanayam naming mga turista ang sumuot ng life jacket kaysa sa hawakan.

Samantala, sinabi pa ng ilan sa aming nakapanayam na hindi naman pala sila sinasabihan ng mga boat crew na magsuot ng life jacket.

Kaugnay nito, muling iginiit ng PCG na dapat sundin ang ipinapatupad na safety measures para sa kaligtasan ng mga pasahero.

No comments:

Post a Comment