Pages

Wednesday, November 26, 2014

DOT Boracay sub-office, aminado sa mga natatanggap na reklamo ng mga turista sa Cebu Pacific

Posted November 26, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Marami na rin umanong natatanggap na reklamo mula sa mga turistang pasahero ng Cebu Pacific ang DOT o Department of Tourism Boracay Sub-office.

Ito ang sinabi ng DOT Boracay kaugnay sa reklamo ng mga turistang pupunta sana ng Boracay nitong nakaraang November 18, ngunit kinansela at i-divert ng Cebu Pacific ang kanilang flight mula Manila to Caticlan, at naging Manila to Kalibo Airport.

Ayon pa sa DOT Boracay, nakarating na rin ang bagay na ito kay mismong DOT 6 Regional Director Atty.Helen Catalbas.

Samantala, sinubukan naman ng himpilang ito na kunin ang pahayag ni CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines Kalibo Manager Cynthia Aspera, subali’t itinigil na muna nito ang pagsagot sa aming text message.

Magugunitang umalma din ang ilang pasahero ng Cebu Pacific dahil sa madalas umano nilang idinadahilan ang sunset situation o takip-silim, at ang maikling runway ng Caticlan sa tuwing ida-divert nila ang flight sa Kalibo Airport.

No comments:

Post a Comment