Pages

Wednesday, November 26, 2014

Committee hearing kaugnay sa pagsagawa ng mga photoshoot sa Boracay, bukas na

Posted November 26, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Bukas na gaganapin ang committee hearing kaugnay sa ordinansa ng pagkakaroon ng mga photoshoot sa isla ng Boracay.

Ito’y matapos itong talakayin sa Sangguniang Bayan (SB) Session ng Malay nitong mga nakaraang buwan makalipas ang naging mainit na topiko sa social media tungkol sa ordinansa ng pagkuha ng litrato sa Boracay.

Nabatid na maraming mga photographer sa isla at maging sa ibang lugar sa bansa ang nagulat kaugnay sa ordinance 168 ng LGU Malay na nagbabawal sa pagkuha ng litrato sa Boracay ng walang sapat na permit mula sa nasabing bayan.

Dahil dito sinabi naman ni Malay SB Secretary Concordia Alcantara na isasailim ito sa isang committee hearing bukas ng hapon sa Balabag Action Center kung saan imbitado rito ang mga photographers association sa Boracay pati na ang ilang concern agencies.

Sinabi pa nito na ito ay isang paraan para mabigyan ng linaw ang pagkalito ng ilang mga photographer at ng mga nitizens sa nasabing batas na hanggang ngayon ay mainit paring pinag-uusapan sa mga social networking sites.

No comments:

Post a Comment