Posted November 6, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Inilunsad ito ng Department of Interior and Local
Government (DILG) Malay na may layong maipaliwanag sa mga Malaynon ang
kahalagahan ng GPB o Grassroots Participatory Budgeting.
Sa kanyang text message, sinabi ni Malay Local
Government Operations Officer (MLGOO) Mark Delos Reyes na gagawan ng mga
proyekto ang mga napag-usapang problema at issues sa bayan at isla na
pagkakasunduan naman ng LPRAT o Local Poverty Reduction Action Team.
Popondohan din umano ito ng GBP para sa taong 2016.
Samantala, mahigit 50 ang dumalo sa nasabing
assembly mula sa iba’t-ibang ibang organisasyon mula sa Boracay at Malay
katulad ng non-government organizations (NGOs) People’s Organization (POs),
basic sector organization, cooperatives.
Nabatid na isang paghahanda ng mga panukala sa
badyet ng isang ahensya ang GPB.
No comments:
Post a Comment