Pages

Wednesday, November 19, 2014

CENRO Boracay, blangko pa sa status ng pipe concreting and extension ng TIEZA sa Bolabog Beach

Posted November 19, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Blangko pa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Boracay sa status ng pipe concreting and extension ng TIEZA sa Bolabog Beach.

Ayon kay Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Boracay Officer In Charge Jonne Adaniel.

Wala pang naibigay na update sa kanila ang lokal na pamahalaan tungkol dito, matapos ang isinagawang pagpupulong nitong nakaraang buwan kasama ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Gayunpaman, nabatid na minamadali nang dugtungan ng concrete pipe o sementadong tubo ang drainage sa Bolabog beach bago tuluyang paganahin ang pumping station sa Barangay Balabag bago paman ang APEC Summit 2015.

Sa kabila nito, una namang inamin ng TIEZA na marami pang kinakaharap na problema ang drainage sa isla katulad ng mga illegal connections.

Samantala, pagtutulungan naman umano ng Boracay Redevelopment Tassk Force (BRTF) na matapos ang proyekto bago ang APEC Hosting.

No comments:

Post a Comment