Pages

Tuesday, October 28, 2014

Mga lumalabag sa road set back ordinance sa Boracay, sinusuyod na ng MPDO

Posted October 28, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Nagbabala ngayon ang MPDO laban sa mga lumalabag sa road set back ordinance sa isla ng Boracay.

Ayon kay Municipal Planning Officer Alma Beliherdo, sinusuyod na rin nila ngayon ang isla upang tukuyin ang mga establisemyentong lumalabag sa Municipal Ordinance No.2000-131.

Ito ang ordinansang nag-uutos na dapat magkaroon ng anim na metrong road set back mula sa sentro o gitna ng kalsada ang anumang temporary o permanent structures.

Sa kanyang text message sa himpilang ito, nagbabala rin si Beliherdo na ang mga taga engineering at building official na mismo ang tatanggal sa mga istrakturang lumabag kung walang voluntary compliance o kusang pagtanggal.

Samantala, ipapatong din umano sa may-ari ng istraktura ang gastos sa gagawing demolisyon.

Nagsimula naman ang pag-iikot ng MPDO sa Barangay Manoc-manoc ngayong araw.

No comments:

Post a Comment