Pages

Wednesday, October 29, 2014

DILG, OCD binuksan na ang Contingency Planning Workshop sa Boracay

Posted October 28, 2014                             
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Umarangkada na ang Contingency Planning Workshop ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Office of Civil Defense (OCD) sa isla ng Boracay kahapon.

Ito’y upang palakasin ang paghahanda sa anumang kawalang-tiyak na mangyayari sa bayan lalung-lalo na sa isla ng Boracay.

Ayon kay OCD Regional Director Rosario Cabrera, nilalayon ng nasabing aktibidad na tulungan ang LGU sa pagbabalangkas ng mga plano sa anumang panganib o sakuna sa kani-kanilang lokalidad.

Maipapakita rin umano dito ng mga nakikibahagi sa aktibidad ang kanilang mga natutunan sa pagsasanay sa Geographic Information System (GIS) for Climate Change and Disaster Risk Vulnerability Reduction.

Samantala, nagpasalamat naman ang Director sa mga dumalo dahil sa masasabing mas magiging epektibo pa umano ito sa tinatawag na DRRM Plan, dahil sa mas magiging madali para sa mga taga LGU ang magpasya sa mga hakbang kung may konkreto lang na Contingency Plan.

Ang Contingency Planning Workshop sa Boracay ay magtatapos sa Octubre 30, araw ng Huwebes.

No comments:

Post a Comment