Pages

Wednesday, October 01, 2014

Ilang establisemyento at residente sa back beach sa Sitio Bolabog, nasermunan dahil sa mga nakakalat na basura

Posted October 1, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Patuloy ang kampanya ng LGU Malay para sa kalinisan ng Boracay partikular ang dalampasigan nito.

Kasabay nito, halos kaliwat-kanan din ang mga beach cleanup ng bawat barangay lalo na ng Barangay Balabag kasama ang ilang grupong nagmamalasakit sa isla.

Subali’t labis namang ikinadismaya ng taga Balabag Council ang mga nakakalat na bote ng alak, upos ng sigarilyo at mga plastic sa dalampasigan ng Sitio Bolabog.

Nasermunan tuloy ang ilang establisemyento at residente doon dahil sa tila walang pakialam ang mga ito sa kalinisan ng nasabing lugar.

Maliban dito, may mga nagtayo na rin umano doon ng tambayan na siyang itinuturong dahilan ng pagkalat ng basura.

Samantala, minarapat paring paalalahanan ng taga Balabag Council ang mga nasabing residente na maging responsable at malinis sa paligid.

Nabatid na maraming grupo ang nagsasagawa o nangunguna sa mga beach cleanup sa isla bilang pagpapakita ng pagmamalasakit sa kapaligiran katulad ng Balabag Bikers at Quick Force Boracay.

No comments:

Post a Comment