Pages

Wednesday, October 01, 2014

Boracay, isang environmentally critical area - EMB

Posted October 1, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Iginiit kahapon ng mga taga EMB o Environmental Management Bureau na isang environmentally critical area ang isla ng Boracay.

Kasabay ito ng paglilinaw kahapon tungkol sa usapin sa CLUP o Comprehensive land Use Plan, klasipikasyon ng lupa, at tax declaration na dapat isaalang-alang sa pag-isyu ng ECC o Environmental Compliance Certificate.

Kaya naman sa ginanap na pagpupulog kahapon, nagkasundo ang LGU Malay, EMB, at mga stakeholders na magtulungan at isaalang-alang ang mga batas para sa kapaligiran.

Kasabay din ito ng mabusising pag-uusap kahapon tungkol sa mga requirements at pag-iisyu ng ECC na ibinigay ng EMB.

Samantala, sa kabila ng pagiging environmentally critical umano ng Boracay, masaya namang nilinaw ng EMB na malinis at nananatiling pasado sa standard ang tubig sa isla.

No comments:

Post a Comment