Pages

Tuesday, September 02, 2014

(Update) Publiko, walang dapat ikabahala sa tumagas na krudo mula sa lumubog na bangka sa station 1

Posted September 2, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Wala umanong dapat ikabahala ang publiko sa tumagas na krudo mula sa lumubog na bangka sa station 1 kaninang umaga.

Ito ang tiniyak ni Coastguard Boracay Sub-station Commander Chief Petty Officer Arnel Sulla kasabay ng kanilang imbistigasyon sa indisente.

Ayon kay Sulla, hindi naman makakaapekto sa dalampasigan ang krudong tumagas dahil kusa lang itong mawawala kapag naarawan.

Samantala, pinayuhan na rin nito ang kapitan ng bangka na hilahin ito mula sa dagat upang muling ayusin at inspeksyunin ng MARINA bago muling gamitin.

Patuloy namang inaalam ng mga taga Philippine Coastguard ang sanhi ng paglubog ng nasabing bangka.

No comments:

Post a Comment