Pages

Thursday, September 25, 2014

Sahod, trabaho at karapatan, ipinaliwag ng DOLE Aklan sa mga manggawa

Posted September 24, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Mas magiging madali na para sa mga empleyado ang alamin ang kanilang mga benepisyo sa trabaho.

Ito’y matapos na ipinaliwag ng Department of Labor and Employment (DOLE) Aklan sa mga manggawa lalo na sa isla ng Boracay ang mga kaalaman na ito sa pamamagitan ng kanilang Orientation Seminar.

Ayon kay DOLE Aklan Provincial Head Vidiolo Salvacion, kabilang sa kanilang mga ipinaliwanag sa mga manggawa ang kanilang karapatan sa mga holiday pay, rest day pay at overtime pay.

Samantala, maliban sa mga isinasagawang orientation seminar ay mayroon ding inilabas ang DOLE na Handbook on Workers’ Statutory Monetary Benefits sa Filipino.

Ayon sa DOLE, ang 73-pahinang manual ay bahagi ng inisyatibo ng ahensya na paigtingin ang information dissemination program nito upang mabawasan ang labor-related abuses sa bansa.

Ito umano ang unang pagtatangkang maisalin ang 20-anyos na English Labor Handbook, na naglalaman ng mga statutory monetary benefit mula sa minimum wage hanggang sa incentive leave sa katutubong wika.

Ang mga manggagawa naman ay maaaring makakuha ng kopya ng handbook sa opisina ng Bureau of Working Condition (BWC) o magtungo sa tanggapan ng DOLE.

No comments:

Post a Comment