Pages

Wednesday, September 24, 2014

First Aid Olympics 2014, itatampok ng Red Cross Boracay ngayong Sabado

Posted September 24, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Maglalaban-laban para sa kauna-unahang First Aid Olympics ang ibat-ibang organisasyon at business establishment sa isla ng Boracay.

Ito’y para sa pagdiriwang ng Firs Aid Olympics ngayong buwan ng Setyembre na inorganisa ng Philippine Red-Cross (PRC).

Ayon naman kay PRC Malay-Boracay Chapter Deputy Administrator John Partrick Moreno, ang nasabi umanong kumpetisyon ay isasagawa ngayong araw ng Sabado sa beach area ng Boracay.

Aniya, ilan lamang sa mga kasali dito ang Kabalikat Civicom, Tourism Regulatory Enforcement Unit (TREU) at Airport Fire Fighter.

Nabatid na kasama sa paglalabanan dito ang first-aid na itinuro sa kanila ng Red Cross para maiuwi ang cash prize at matanghal na kauna-unahang First Aid Olympics 2014.

Sinabi pa ni Moreno na ang nasabing Olympics ay magsisimula alas-8:30 ng umaga hanggang alas-2: 30 ng hapon ngayong darating na Sabado.

Samantala, ilan pang naglalakihang resort sa Boracay ang nakatakdang sumali sa nasabing kumpetisyon kasama ang MDRRMO o Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Malay.

No comments:

Post a Comment