Pages

Saturday, September 27, 2014

Paglipat ng mga school activities sa weekend, inalmahan ng ilang guro sa Aklan

Posted September 27, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Inalmahan ng ilang guro sa probinsya ang paglipat ng mga school activities ng Department of Education (DepEd) Aklan sa weekend.

Nabatid na hinihiling ng mga guro na ilipat sa weekdays ang mga aktibidad ng paaralan katulad ng sports events, scouting at iba pang extracurricular activities.

Ngunit hindi dito pabor si Aklan Schools Division Superintendent Jesse M. Gomez, dahil kung ilalagay umano ang nasabing mga aktibidad sa weekend ay makakabawas ito sa tinatawag na “contact days” o face-to face-instructions.

Nabatid na nagpatawag naman ng committee hearing si Sangguniang Panlalawigan (SP) member Plaridel Morania at chairman ng committee on education, culture and science and technology tungkol dito matapos malaman ang hinaing ng mga guro.

Ayon pa kay Gomez kung isasagawa ang extracurricular activities sa weekdays ay kinakilangan pa nilang magsagawa ng make-up classes sa weekends.

Aniya, dapat hindi bababa sa 180 non-negotiable contact days bawat division sa loob ng isang school year para mapanatili at mapabuti ang kalidad ng edukasyon.

Sa ngayon tinitimbang pa ito ng Division office ng Aklan at ng Sangguniang Panlalawigan para sa ikakabuti ng mga guro at ng mga mag-aaral.

No comments:

Post a Comment