Pages

Saturday, September 27, 2014

DOLE Aklan, magkakaroon ng Industry-Wide Assessment sa Boracay

Posted September 27, 2017
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nakatakdang magkaroon ng Industry-Wide Assessment sa Boracay ang Department of Labor and Employment (DOLE) Aklan.

Ito ang ipinaabot na mensahe ni DOLE Aklan Provincial Head Vidiolo Salvacion, kung saan gaganapin umano ito sa September 30, 2014 sa isang hotel sa isla.

Anya, ang pagsasagawa ng assessment ay mag-iimbita sa iba’t-ibang establisyemento sa Boracay na may sampung empleyado pataas.

Kasama din umano sa iimbetahan dito ang mga may-ari ng establisyemento.

Samantala, ang Industry-Wide Assessment ng DOLE ay naglalayong ipaalam  sa industriya  ang  kanilang  mga  responsibilidad  sa mga manggagawa, pati na rin ang pagpapaalala  sa  buo  at  boluntaryong  pagsunod  sa  lahat ng  batas  pang-mangagawa, kasama  na ang kanilang  kaligtasan at kalusugan  at iba pang  usapin.

Kasabay  rito, pag-uusapan din ang isyung teknikal sa mga kompanya upang  matiyak  ang kanilang maayos at  kompletong  pagtalima  sa  labor laws.

No comments:

Post a Comment