Pages

Monday, September 01, 2014

“Opening Salvo”para sa Ati-atihan Festival 2015, gaganapin sa Oktubre 24

Posted September 1, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Gaganapin na sa susunod na buwan, Oktubre 24 ang “Opening Salvo” para sa Ati-Atihan Festival 2015.

Ayon sa ulat ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Foundation, Inc. (KASAFI), ito ay gaganapin sa Kalibo Pastrana Park na magsisimula pagkatapos ng misa sa St. John the Baptist Cathedral alas-tres ng hapon.

Bahagi umano ng aktibidad na ito ang merry-making sa gabi, sayawan sa kalsada o street dancing sa saliw ng mga tambol.

Samantala, sa Kalibo Magsaysay Park, magiging bahagi din ng opening salvo ang pagtatampok ng mga Iloilo's local reggae band na Bahaghari at neon foam party na pasasayahin  ng ilang Disc Jockey mula Iloilo, Manila at Kalibo.

Ang Ati-Atihan Opening Salvo ay ang hudyat ng isang linggong makulay na pagdiriwang ng ina ng lahat ng Philippine Festival mula Enero 9-18, 2015.

Samantala, ipinagdiriwang naman ang Ati-Atihan Festival sa Aklan, bilang pagkilala sa pagkadakila ni Señor Sto. Niño de Kalibo o Batang Jesus.

No comments:

Post a Comment