Pages

Monday, September 01, 2014

Babae sa Boracay, nabiktima ng panloloko sa cell phone

Posted September 1, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Patuloy ang kampanya ng NTC o National Telecommunications Commissions laban sa iba’t-ibang uri ng panloloko sa cellphone.

Subali’t may nabiktima parin ng manloloko kamakailan dito mismo sa isla ng Boracay sa kabila ng nasabing kampanya.

Ayon sa report ng Boracay PNP, isang babae ang tinawagan sa kanyang cell phone ng isang nagpakilalang money transfer agent at sinisingil ito ng service charge.

Kaagad naman umanong nagpadala ng P 2, 500 ang babae sa nagpakilalang ahente kahit wala itong alam tungkol sa service charge na sinisingil sa kanya.

Subali’t huli na ang lahat nang maipadala niya ang pera sa lalaki.

Natuklasan umano kasi niya sa isang money transfer outlet na wala naman pala siyang babayarang service charge dahil wala din itong money transfer account.

Samantala, hindi na rin umano makontak ang cell phone number ng nasabing ahente.

No comments:

Post a Comment