Pages

Thursday, September 25, 2014

Lalaki nanlaban sa ilang miyembro ng MAP, matapos kumpiskahin ang ilegal na paninda

Posted September 25, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Isang lalaking vendor ng pearl at monopod sa Boracay ang nanlaban sa ilang miyembro ng Municipal Auxiliary Police (MAP) kaninang umaga.

Base sa police report ng Boracay PNP, nangyari ang insidente dakong alas-9 ng umaga kung saan dalawang MAP member ang nagreklamo sa kanilang tanggapan na kinilalang si Gerve Casidsid at Arjay Villasanta na parehong residente ng isla ng Boracay.

Nabatid na habang nasa duty ang dalawang MAP sa beachfront station 2 isang lalaki ang kanilang naaktuhang nagbibinta ng nasabing paninda na walang Mayor’s permit at nilalabag ang municipal ordinance ng bayan ng Malay.

Dahil dito agad nilang sinita ang suspek at dinala sa MAP Command center sa nasabing ring lugar para isyuhan ng citation ticket, ngunit mabilis itong nakatakas habang dala-dala ang kanyang mga kinumpiskang paninda.

Agad naman itong nahuli ni Casidsid ngunit ayaw nitong ibigay ang kanyang paninda rason para humingi rin siya ng tulong sa kapwa niya vendor.

Napag-alaman na dahil sa tila maraming tumulong sa vendor ay mabilis namang tinawag ng MAP ang kanyang mga kasama kabilang na ang pagtawag ng mga pulis para rumispondi sa kaguluhan.

No comments:

Post a Comment