Pages

Thursday, September 25, 2014

Ati community nakatanggap ng “Lingap para sa Katutubo” project ng BIWC at Manila Water Foundation

Posted September 25, 2014
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay

Nagdulot ng saya sa Ati Community sa isla ng Boracay ang “Lingap para sa Katutubo” ,ang pinagsamang proyekto ng Boracay Island Water Company at Manila Water Foundation.

Sa proyektong ito, makikinabang ang mahigit sa tatlumpong kabahayan ng libreng linya ng tubig mula
sa BIWC kung saan magagamit ito sa pang araw-araw na buhay ng mga katutubong Ati.

Ayon kay Rommel De Vicente ng BIWC, ang proyekto ay bahagi ng kanilang CSR o Corporate Social Responsibility na ang layunin ay makatulong sa  kumunidad at isa ang Boracay Ati Tribal Organization sa mga mapalad na benipisyaryo.

Mahalaga din umano na magkaroon ng malinis na inuming tubig ang bawat katutubo maliban pa sa ibang gamit ng tubig kagaya ng paglalaba at paliligo.

Bago ang proyekto, dumadayo pa sa kalapit na lugar ang mga Ati at nagbabayad sa bawat balde na kanilang iniigib.

Sa ngayon, ay nagagamit na mga taga Ati village ang tubig mula BIWC ng matapos ang proyekto nitong buwan ng Septyembre.

No comments:

Post a Comment