Pages

Friday, September 05, 2014

Elevation Project, inihahanda na para sa Boracay National High School

Posted September 5, 2014
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay

May program of works na ang Municipal Engineering Office ng lokal na pamahalaan ng Malay para tugunan ang matagal ng problema ng pagbaha sa loob ng Boracay National High School.

Ito ang i-prenesenta ni Engineer Friney Sim sa mga guro ,magulang at kay SB Member Natalie Cawaling-Paderes sa ginanap na pulong ng School Governing Council ng nabanggit na paaralan.

Sa kabuuang P 850,000 na pondo mula sa SEF o Special Education Fund na inaprobahan ng Local School Board , P 500,000 o kalahating milyon ay mapupunta sa elevation ng mga binabahang bahagi ng paaralan.

Ang P 200,000 ay para sa drainage at P 150,000 naman ay para sa rewiring ng mga sirang linya ng kuryente.

Ikinagalak ni BNHS Principal II Jose Niro Nillasca ang nasabing update lalo pa at pondo pa ito noong nakaraang taon na matagal na ring nilang hinahanap para maipatupad.

Samantala ,pinasiguro naman ni Chairman on Committee on Education at SB Member Natalie Cawaling-Paderes  na pinoproseso na ang lahat ng nakabinbin na proyekto para maibsan ang mga suliranin ng Boracay National High School.

No comments:

Post a Comment