Pages

Tuesday, September 16, 2014

DOT at Media sa Aklan, lilibutin ang 4 na munisipalidad sa probinsya

Posted September 15, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nakatakdang libutin ng mga opisyales ng Department of Tourism (DOT) at mga Media sa Aklan ang apat na munisipalidad sa probinsya.

Sa ipinadalang kalatas ng DOT Aklan, kabilang sa apat na mga bayan sa Aklan na bibisitahin ang Madalag, Libacao, Ibajay at Malay.

Ayon sa DOT ang programa ng ahensya na “familiarization tour” ay ginagawa tuwing taon para ipakita at ipakilala ang mga “tourist spot” na ipinagmamalaki ng probinsya ng Aklan.

Bahagi na rin umano rito ang pagpapaunlad ng ugnayan ng sangay ng gobyerno sa hanay ng mga mamamahayag bilang partner sa pag-unlad ng turismo sa probinsya.

Samantala, maliban sa mga magagandang lugar pasyalan, ipinagmalaki naman ng DOT ang potensyal ng Aklan sa pag-unlad lalo na sa larangan nang paghahabi ng pinya, raffia at sinamay na siyang ginagamit rin sa kanilang gift at houseware items.

Tatagal naman ng tatlong araw ang nasabing familiarization tour.

No comments:

Post a Comment