Pages

Tuesday, September 16, 2014

3 turistang Arabo sa Boracay, binugbog ng 2 kalalakihan

Posted September 16, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Ikinustodiya sa himpilan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang isa sa mga suspek sa umano’y nangyaring pambubugbog sa tatlong turistang Arabo sa Boracay.

Kinilala sa blotter report ng Boracay PNP ang mga biktima na sina Ibrahim Saleh Mohamed Alzarooni, 23 anyos, Osamah Alharbi, 25 anyos at Mohammed Abdulah Alhammad, 22 anyos.

Sumbong ng mga biktima, naglalakad ang mga ito sa harapan ng isang restaurant sa Balabag Boracay alas onse kagabi nang sa hindi malamang dahilan at walang probokasyon ay bigla umanong sinuntok ni Keynes Laserna, 23 anyos ng Brgy. Rizal, Nabas, Aklan si Alzarooni.

Dahil dito, nagalit din ang ibang kasamahan ng Arabo at isang komosyon ang nangyari sa lugar.

Ilang sandali pa ay dumating din ang kasamahang staff ni Laserna na nakilala kay “Reggie” at imbis na awatin umano ang gulo ay tumulong pa ito sa pambubugbog sa tatlong turista.

Samantala, napag-alaman naman na nasa ilalim ng nakalalasing na inumin si Laserna, kaya’t matapos na isagawa ang medical check-up sa kanya ay pansamantala muna itong ikinustodiya sa BTAC.

No comments:

Post a Comment