Pages

Monday, August 04, 2014

(Update) Umano’y 420, 000 US Dollars na ninakaw sa isang Korean guest sa Boracay, iniimbestigahan parin ng SOCO

Posted August 4, 2014
Ni Gloria Villas, YESFM Boracay

Nagpapatuloy parin ang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) hinggil sa pagnanakaw sa isang Korean guest sa Boracay.

Magugunitang sinabi ni Chi Youn Cho sa mga pulis, na ninakawan ito ng 420, 000 US Dollars o nasa mahigit 17 milyong piso.

Subalit, nabatid na taliwas naman ito sa kanyang unang sinabi sa management ng kanyang tinutuluyang resort.

Base kasi sa text message ng resort sa himpilang ito, sinasabing 420 US Dollars lamang pala ang nawala sa kanya.

Bagay na maging ang mga pulis sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ay ipinagtaka ang mistula kaduda-dudang sumbong ng Koreano.

Samantala, nabatid na lumabas si Cho kagabi kasama ang kanyang kaibigan upang maghapunan subali’t bukas na umano ang safety box, kung saan napaloob ang pera nang kanilang madatnan.

1 comment:

  1. Kung totoong may US$420,000 yang koreano na yan eh dapat sya ang imbestigahan... itawag agad sa AMLAC.

    ReplyDelete