Posted August 4, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Officer of the week muna sa DOT o Department of
Tourism Boracay si mismong DOT Regional Director Helen Catalbas.
Ito ang kinumpirma ng mga taga DOT Boracay Office
kaugnay sa pagdating ng kanilang senior officials na pansamantalang gagawa ng
trabahong binakante ni dating DOT OIC Tim Ticar.
Magugunitang kinumpirma ni Ticar na ililipat siya
sa Iloilo epektibo sa unang araw ng buwan ng Agosto, base narin sa order o utos
ni Catalbas.
Kaugnay nito, isang linggo ring mananatili muna si
Catalbas sa Boracay bilang officer in charge.
Samantala, nabatid na nag-iikot na rin ngayon sa
isla si Catalbas at nakikipag-ugnayan sa ilang ahensya tungkol sa estado ng
Flood Control Project ng TIEZA o Tourism Infrastructure Enterprise Zone
Authority.
No comments:
Post a Comment