Posted August 1, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nasa mahigit 50, 000 pesos na pera at 200 US
Dollars na bank check ang nawala sa isang resort sa Balabag Boracay.
Ito’y matapos nilooban kahapon ng umaga ang
nasabing resort ng mga hindi nakilalang mga suspek.
Ayon sa report ng Boracay PNP, dumaan sa main door
ang kawatan, kung saan nalamang basag ang salamin ng nasabing pintuan at sira din
ang padlock nito.
Ayon naman sa salaysay ng dalawang staff ng resort
isang araw bago ang insidente ay mayroon silang nakitang dalawang hindi
kilalang lalaki na nakasando ng itim na umaaligid sa nasabing resort.
Samantala, napag-alaman din na walang security
guard ang resort at wala rin itong CCTV Camera.
Gayunpaman, nagpapatuloy parin ang imbestigasyon ng
Boracay PNP Station hinggil sa nasabing kaso.
No comments:
Post a Comment