Posted August 1, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo Credit by Boy Ryan Zabal |
Target ng Pamahalaan ng Aklan at ng Department of Public
Works and High-ways (DPWH) na matapos ang construction ng Kalibo-Numancia
bridge sa March 2015.
Ayon kay Aklan District Enginner Noel Fuentebella, tuloy-tuloy
na umano ang ginagawang proyekto ngayon kung saan inuumpisahan na ring itayo
ang mga poste ng bagong ginagawang tulay.
Samantala, isa umano itong magandang tulay kung saan may
kataasan ng kunti sa kasalukuyang Kalibo-Numancia bridge.
Nabatid na aabot sa P370 million ang magagastos sa 2-Lane
Bridge kung saan lalagyan din ito ng sidewalks, baluster railings at street heights.
Sa kabilang banda natulungan na rin umano ni Aklan
Congressman Teodorico Harisco at ni Governor Joeben Miraflores ang 17
pamilyang apektado ng pagpapagawa ng bagong tulay kung saan binigyan na rin
sila ng relocation sites.
Asahan din aniya ng mga Aklanon ang mas magandang tulay
kung saan hindi na basta-bastang maabot ng tubig dahil sa elevation nito.
No comments:
Post a Comment