Pages

Wednesday, August 20, 2014

Pagsulong na maging siyudad ang bayan ng Malay minamadali na ng Sangguniang Bayan

Posted August 20, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Minamadali na ngayon ng Sangguniang Bayan ang pagsulong na maging siyudad ang bayan ng Malay.

Katunayan, muling tinalakay sa SB Session kahapon ang Resolution No. 066 Series of 2010 para gumawa ng Ad hoc Committee para dito.

Ayon naman sa may akda ng nasabing resolusyon na si SB Member Jupiter Gallenero.

Hinahanda na umano nila ngayon ang mga dokumento para sa proposed cityhood ng munisipalidad ng Malay.

Paliwanag ni Gallenero, ang populasyon umano at income ng nasabing bayan ay halos sapat na para ito’y maging isang siyudad.

Isang pag-aaral din umano ang kanilang gagawin upang masunod ang lahat ng requirements at criteria para maging isang city ang isang lugar.

Pwedi rin umanong basehan para dito ang turismo ng isla ng Boracay dahil sa dinadayo ito ng daan-daang libong turista taon-taon.

Samantala, tiwala naman ang SB Malay na maisasakatuparan ang kanilang isinusulong na resolusyon kung kaya’t puspuan din ang kanilang pag-aaral para dito.

No comments:

Post a Comment