Pages

Tuesday, August 19, 2014

MHO, patuloy ang pagbibigay paalala hinggil sa mga asong gala sa Boracay

Posted August 19, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kasama ng Guimaras ang isla ng Boracay sa idineklara kamakailan lang ng Department of Health (DOH) na “rabies free”.

Sa kabila nito, ikinababahala parin ng mga turista at residente ang patuloy na paglipana ng mga asong gala sa isla ng Boracay.

Maliban kasi sa gusgusin at mistula walang mga anti-rabbies injection, madalas ding nadidismaya ang mga turista sa mga nasabing aso dahil sa pagdumi ng mga ito pag-ihi sa dalampasigan.

Maliban dito, may ilan ding mga turista ang umano’y hinabol ng mga aso habang namamasyal sa beach.

Kaugnay nito, sinabi ni Malay Health Education Promotion Officer Arbie Aspiras na patuloy umano ang kanilang pagbibigay ng mga paalala lalo na sa mga pet owners na maging responsable sa kanilang mga alaga.

Anya, maaari ding ipagbigay alam sa nasabing barangay at ahensya na humahawak sa ganitong mga kaso upang mailagay sa tamang lugar ang mga asong gala.

Samantala, nabatid na mahigit sampung mga aso ang magkakasabay na gumagala sa beach lalo na sa gabi, na binibigyan din pala kung minsan ng pagkain ng mga turista.

No comments:

Post a Comment