Pages

Tuesday, August 12, 2014

Malaysia pasok sa Top ten tourist arrival sa Boracay ngayong 2014

Posted August 12, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pasok na sa top ten ang Malaysia sa naitalang tourist arrival na dumayo sa isla ng Boracay ngayong unang quarter ng taon.

Base sa naitalang record para sa tourist arrival ng Department of Tourism (DOT) nasa ika-walong puwesto ngayon ang Malaysia kung saan umabot sa 8, 819 ang mga Asean na pumunta sa Boracay simula nitong Enero hanggang Hulyo.

Napag-alaman na ang Malaysia ay hindi nakakasama sa top ten tourist arrival sa Boracay dahil sa hindi gaano kalakas ang promotions ng isla sa kanilang bansa.

Nabatid na sa ginawang promotions and marketing ng DOT sa ibat-ibang bansa para sa Boracay ay may marami na ang mga nagkaroon ng interest na  magbakasyon sa isla kabilang na ang mga Malaysian.

Isa rin sa dahilan kung bakit tila dumarami ang mga dumadayo sa Boracay ay dahil sa patuloy na pag-island tour ng mga cruise ship sa island resort sakay ang mga turista mula sa ibat-ibang bansa.

Samantala, ang Korea parin ang nangunguna sa pwesto sa may pinakamaraming tourist arrival sa Boracay maliban sa local tourist.

No comments:

Post a Comment