Pages

Tuesday, August 12, 2014

DOT, kumpyansa sa hakbang ng DOH na pigilan ang pagpasok ng Ebola virus sa Boracay

Posted August 12, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kumpyansa ang Department of Tourism (DOT) sa hakbang ng gobyerno at Department  of Health (DOH) hinggil sa pagpigil na makakaabot ang Ebola virus sa isla ng Boracay.

Ayon kay DOT Regional Director for Region VI Atty. Helen Catalbas, hindi dapat mabahala ang mga residente sa mga pahayag at tsismis tungkol sa outbreak ng Ebola virus at sa patuloy na pagdagsa ng mga bumibisita sa isla.

Anya, bagamat walang naitalang kaso ng Ebola virus dito sa Pilipinas ay nagkakaroon na umano ng awareness campaign ang mga airport sa Department of Health (DOH) at Bureau of Human Quarantine laban sa Ebola virus.

Samantala, una nang idineklara ng World Health Organization (WHO) na isang international health emergency ang outbreak ng Ebola virus sa West Africa, na nangangahulugang hindi na makontrol ang epidemya.

No comments:

Post a Comment