Pages

Wednesday, August 20, 2014

Basurahan sa long beach, obligasyon ng mga beach front establishment ayon kay Administrator Sacapaño

Posted August 20, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Obligasyon umano dapat ng mga beach front establishments ang paglalagay ng basurahan sa long beach.

Reaksyon ito ni Boracay Island Administrator Glenn Sacapaño tungkol sa paghahanap ng mga turista ng tapunan ng kanilang basura kapag namamasyal sa beach front.

Ayon kay Sacapaño, nasa 150 na mga garbage bins na ang inilagay nila sa buong isla, subali’t ayaw naman itong bantayan ng mga nasabing establisemyento.

Umaapaw lang tuloy ito at mistulang napapabayaan kung kaya’t nagiging eye sore din sa mata ng ibang turista.

Samantala, sinabi pa ng administrador na may mga turistang nagtatapon ng basura kung saan-saan.

Subali’t aminado ito na bawal dapat ang pagdadala ng pagkain o inumin sa dalampasigan subali’t pinagbibigyan na lang ang kahilingan ng ilang turista.

Samantala, sinabi naman ni Sacapaño na maglalagay ulit sila ng garbage bins sa long beach pagkatapos ng panahon ng Habagat.

Nabatid na may mga turistang nagrereklamo kung bakit walang basurahan sa beach front at nagtatanong kung saan napupunta ang ibinabayad nilang environmental fee.

No comments:

Post a Comment