Pages

Thursday, August 21, 2014

Aklan Provincial Administrator Atty. Ibarreta, inimbetahan sa SP Aklan upang ipaalam ang status ng proyekto sa KIA

Posted August 20, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Inimbetahan sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan si Provincial Administrator, Atty. Selwyn Ibarreta upang ipaalam ang status ng proyekto sa Kalibo International Airport (KIA).

Sa ginanap na 28th SP Regular Session kaninang umaga, pinag-usapan ang pag-imbita sa administrador na magkaroon ng audi-video presentation at ipakita ang kasalukuyang status ng KIA gayundin kung kailan ito matatapos.

Nabatid sa ipinasang Resolution No 147, ang pagkukumpirma sa pagbili ng lupa sa KIA upang gamitin para sa nasabing expansion.

Nakasaad rito ang paggamit ng pondo sa pambili ng lupa, parking area at daanan ng mga eroplano, parking area sa mga behikulo at pagpapa-ayos at pagpapalapad sa terminal building.

Samantala, ang pag-upgrade umano ng KIA ay pamantayan ng pagpapabuti nito at kasama sa mga prayoridad na proyekto ng pambansang pamahalaan.

Sa ngayon, ang KIA ay tumatanggap ng mga international flights sa iba’t-ibang mga regional flights sa Asya at inaasahang hindi tatagal ay magiging “hub airport” na ng Air Asia.

No comments:

Post a Comment