Posted July 17, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Maaaring ipatawag ng SB Malay ang Tourism Regulatory
Enforcement Unit (TREU) para sa isang committee hearing sa Lunes.
Ito’y kaugnay sa umano’y pang ha-harass ng TREU sa mga
nag-tatrabahong foreign tour guide sa isla ng Boracay.
Sa ginanap na SB Session nitong Martes sinabi ni SB
Member Rowen Aguirre sa kaniyang privilege speech na nakatanggap siya ng ilang
reklamo dahil sa umano’y maling pagtrato sa mga foreign tour guide.
Maliban dito mayroon ding lumalabas na balita na sinisingil
pa umano ang mga ito ng hindi otorisadang tao dahil sa kanilang mga nagawang
violation sa isla.
Dahil dito napagdesisyunan ng SB Malay na magsagawa ng
pagpupulong para malaman kung ang nasabing problema ay may katutuhanan o kung
sino ngaba ang nagsasabi ng totoo o hindi.
Nabatid na nais ding malaman ng SB sa pamamagitan ng committee
hearing kung ang mga nagrereklamong tour guide ay mayroong permit para sa
kanilang operasyon o kung sila ay mga ilegal na tour guide na pakalat-kalat sa
isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment