Pages

Thursday, July 17, 2014

Resulta sa isinagawang inspeksyon ng DENR sa mga binahang lugar sa Boracay, inaantay pa

Posted July 17, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Hindi pa ngayon matiyak kung may epekto sa dagat ang inilabas na tubig-baha ng ilang establisemyento sa isla nitong nakaraang linggo.

Ayon kasi kay Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Boracay Officer- In - Charge Jonne Adaniel.

Inaantay pa umano sa ngayon ng DENR ang resulta sa isinagawang inspeksyon hinggil sa mga binahang lugar sa Boracay at sa nasabing hakbang ng mga naapektuhang establisemyento.

Kaugnay nito, magugunita namang sinabi ni Adaniel na magkikipagpulong ang DENR sa LGU Malay at TIEZA hinggil sa mga problema ng pagbaha sa Boracay.

Magugunita ring maraming establisemyento sa isla ang naapektuhan ng pagbaha nitong mga nakaraaang araw nang manalasa ang bagyong Florita.

No comments:

Post a Comment