Posted
July 14, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Walang pinipiling oras ang mabibiktima ang kawatan.
Mapa gabi, tanghaling tapat, o madaling araw, at mapa turista,
empleyado o residente ng Boracay.
Katunayan, naging laman na naman ng blotter book ng Boracay PNP ang
isang reklamo kaugnay sa nasabing insidente.
Isang Taiwanese tour guide kasi ang nawalan ng IPod at IPhone matapos
umanong looban ang inuupahan nitong bahay sa Sitio Bolabog, Balabag.
Base sa police report ng Boracay PNP, nagising na lamang kaninang umaga
ang tour guide na si Ni-Li Huang na wala na sa kanyang pinaglagyan ang mga
nasabing gadgets.
Natuklasan pa sa imbistigasyon na nakabukas na ang bintana ng kanyang
kuwarto dahil sira na pala ang lock nito, at tinanggal din ang ilang steel
grill doon.
Maaari din umanong sa likurang bahagi ng bahay dumaan ang kawatan.
No comments:
Post a Comment