Posted July 14, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinag-aaralan na umano ngayon ng Local Government Unit ng
Malay ang “one way lane” sa isla ng Boracay para maibsan ang problema sa
trapik.
Ito ang sinabi ni DOT Boracay Officer In-charge Tim
Ticar, matapos na mapag-usapan ang nasabing problema bilang paghahanda sa APEC
o Asia Pacific Economic Cooperation Summit 2015 sa isla.
Ngunit kinakailangan pa umanong mag-implement ng
re-routing ang LGU at dadaan pa sa ilang public hearing bago ito maipatupad sa Boracay.
Sinabi pa nito na ang mga sasakyang mula sa Brgy.
Manoc-manoc na didiretsong Bry. Yapak ay maaari nang dumaan sa circumferential
road kung saan ilan pa sa gagamiting kalsada ay ang area ng Sitio. Bolabog.
Aniya, sakali umanong matuloy ito ay inaasahan nilang maraming
reklamo ang kanilang matatanggap mula sa mga commuters dahil kinakailangan pa
nilang maglakad ng may kalayuan para magbantay ng masasakyan dahil sa one lane
policy.
Sa kabila nito, kukuha rin ng pulso ang DOT at ang LGU
Malay mula sa mga stakeholders at mga residente sa isla kung sila ba ay tutol
dito o hindi.
Samantala, ang nasabing plano ay pag-aaralan din ng Transportation
Office ng Malay para maibsan ang problema ng trapik sa isla lalo na kapag
week-end at panahon ng summer.
No comments:
Post a Comment