Posted July 21, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Aminado ang Malay Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa problema tungkol sa mga batang nagtitinda sa isla ng Boracay.
Ayon kay MSWD Head Magdalena Prado, matagal nang
napag-uusapan ang nasabing isyu, kung saan padami ng padami ang mga batang
nagtitinda sa isla, na pangit din umanong tingnan para sa mga
turista.
Ilan kasi sa mga ito ay mapilit sa mga turista na
bilhin ang kanilang mga tinitindang gamit at inaabot pa ng gabi sa beach front
sa pagtitinda.
Sa kabila nito, sinabi pa ni Prado na tuloy-tuloy
ang kanilang isinasagawang mga programa at pagkakaroon ng iba pang mga plano
para maisaayos at masolusyunan ang nasabing problema.
Samantala, iginiit naman ni Prado ang kakulangan ng
MSWD Malay sa empleyado kung kaya’t may kabagalan rin ang kanilang pagtugon sa
mga problema tungkol sa mga bata sa isla.
Dahil dito, nananawagan ngayon ang nasabing ahensya
ng kooperasyon sa mga baranggay officials gayundin sa mga magulang ng mga bata
na bantayan at bigyan sila ng impormasyon para sa ikakaayos ng problema.
No comments:
Post a Comment