Posted July 21, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Sa kasagsagan ito ng malakas na hangin at malalakas
na alon dulot na rin ng Habagat.
Una rito ang 17 taong gulang na biktima na
nakilalang si Jayservill Perez ng Imus, Cavite.
Ayon sa report, kaagad sumaklolo ang isang wind
surfer doon nang mapansin niyang nalulunod na lagpas sa flagged area ng dagat sa
station 2 ang biktima.
Kaagad ding sumaklolo ang mga taga Municipal
Auxiliary Police, Red Cross life guard, at mga pulis Boracay na naka duty doon
at dinala ito sa isang pagamutan sa bayan ng Kalibo.
Nangyari ang insidente kaninang tanghali.
Samantala, isinugod din sa isang ospital ang isa
pang biktima na si Rachel Gomez, 14 anyos at isang Ethiopian National.
Mapalad naman itong nailigtas mula sa pagkalunod nang
makita ng isang Life guard ng Paradise Garden Resort.
Naliligo din umano ito sa kasagsagan ng malakas na
hangin at alon bandang alas 2:00 nitong hapon nang mangyari ang insidente.
No comments:
Post a Comment