Posted July 28, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dadaong na ngayong araw sa isla ng Boracay ang isa sa
pinakamalaking barko sa buong mundo na MS the World.
Sakay nito ang daang-daang mga turista kabilang
na ang mga crew na mula sa bansang Norway.
Inaasahang dadaong ito alas-nueve ng umaga sa kalagitnaan
ng karagatan ng Boracay ilang kilometro mula sa Cagban Jetty Port kung saan
naman bababa ang mga sakay nito.
Nabatid na mag o-overnight ang nasabing barko para
magkaroon ng mahabang oras sa pag-iikot sa isla ang mga sakay na turista at
crew nito.
Ayon naman sa Jetty Port Administration mahigpit umano ang
ipapatupad na seguridad ng pamunuan ng barko para sa mga aakyat na media at
ilang bisita sa nasabing cruise ship.
Samantala, ang isla ng Boracay ay isinusulong ng
Department of Tourism (DOT) bilang cruise ship destination sa bansa.
No comments:
Post a Comment