Posted July 28, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito ay may kaugnayan sa pagdriwang ng Blood donors Month
ngayong buwan ng Hulyo kung saan may tema itong “Safe Blood for Saving Mothers”.
Ayon naman kay BIWC Regulatory Planning and External
Affairs Rommel De Vicente, pinag-usapan umano nila ito ng mabuti at
pinag-planuhan para matulungan ang mga Nanay na nangangailangan ng dugo.
Samantala, ngayong Lunes naman ay nagkaroon ng head count
ang BIWC na kinabibilangan mismo ng kanilang mga empleyado.
Nabatid na gaganapin ito bukas araw ng Martes sa BIWC
compound kung saan inaasahan nilang aabot sa limampu o pitumput limang katao
ang mag do-donate ng kanilang dugo.
Sa ngayon hinihikayat naman ng Philippine Red Cross ang
mga nais mag donate ng kanilang dugo lalo na ang mga kalalakihan para makatulong
sa kanilang programa lalo na sa mga dakilang Ina.
No comments:
Post a Comment