Pages

Thursday, July 03, 2014

Mga residenteng nadadaanan ng widening project sa Aklan Highway, binabayaran ng DPWHwww

Posted July 3, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

www.skyscrapercity.com
Binabayaran umano ng DPWH o Department of Public Works and Highways ang mga residenteng nadadaanan ng widening project.

Ito ang sinabi ni Provincial Engineer’s Office Planning Department Engineer Fritz Ruiz, kaugnay sa DPWH road widening project sa highway ng Calimbajan, Makato at Tamalagon, Tangalan, Aklan.

Ayon kay Ruiz, binabayaran ng pamahalaan ang mga propidad ng mga residente na tatamaan ng project na pasok sa 20 meters ng widening lalo pa’t nasa batas ito.

Samantala, patuloy din umano ang kanilang pagmonitor sa nasabing proyekto bilang bahagi ng paghahanda para sa APEC o Asia-Pacific Economic Cooperation 2015.

Kinumpirma din Ruiz na may mga widening project proposals pa sila para sa ibang lugar sa probinsya ng Aklan katulad ng Altavas at Banga.  

No comments:

Post a Comment