Pages

Thursday, July 03, 2014

Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin, DTI Aklan non-stop sa monitoring

Posted July 3, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Non-stop sa ginagawang monitoring ang Department of Trade and Industry (DTI) Aklan sa mga pamilihan sa probinsya.

Ito’y kasunod na rin ng patuloy na pagtaas ng mga bilihin katulad ng bawang, bigas gatas at iba pang pangunahing bilihin.

Ayon sa DTI Aklan linggo-linggo silang nagsasagawa ng price monitoring para matukoy kung may mga pamilihang nagpataas ng presyo.

Mahigpit din nilang ipinapatupad ang suggested retail price (SRP) para maiwasan ang dayaan o pag-imbento ng presyo.

Maaari din umanong maharap sa ibat-ibang penalidad ang mga tindahan na nagpasobra ng presyo kahit walang pahintulot mula sa kanilang tanggapan.

Higit namang umaaray ang mga mamimili dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa merkado lalo na at ang mga higit na kailangan sa pang-araw araw ang tumataas.

Samantala, tatlong beses rin sa isang linggo ang ginagawang monitoring ng Department of Agriculture( DA) sa mga tindahan sa probinsya kung saan ilan sa kanilang binabantayan ay ang presyo ng mga gulay, karne ng manok at baboy at ilan pang produktong pang-agrikultura.

No comments:

Post a Comment