Posted July 16, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Itinanggi ngayon ng DPWH o Department of Public Works and
Highways ang maintenance para sa mainroad ng Sitio Ambolong, Manoc-manoc.
Ayon kay DPWH Maintenance Engineer Neri Miranda, hindi sa
kanila ang kalsada doon kung kaya’t sa LGU Malay na dapat ang anumang
maintenance para doon.
Sa kabila ito ng paniniwala ng mga residente ng isla na
ang provincial government dapat ang umaksyon dapat sa kung anumang problema ang
nararanasan sa nasabing bahagi ng Barangay Manoc-manoc.
Ayon pa kay Miranda, may environmental fee naman na
maaaring magamit para sa maintenance ng binabahang kalsada.
Samantala, magugunita namang sinabi ng taga DPWH na inako
umano ng LGU Malay ang pagpapagawa naman sa access road papuntang Boracay
Police Station.
No comments:
Post a Comment