Pages

Wednesday, July 16, 2014

DENR, ikinatuwa ang muling pagdami ng populasyon ng mga paniki sa Boracay

Posted July 16, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Ikinatuwa ng Department of Environment and National Resources (DENR) ang muling pagdami ng mga paniki sa Boracay.

Ang paniki o kilala sa mga turista bilang “flying fox” ang pinangangambahan noon ng isang conservation group na maubos dahil sa umano’y over development sa isla.

Itinuturo ding dahilan sa pagbaba ng bilang ng nasabing paniki ang walang pakundangang panghuhuli sa mga ito.

Ayon naman kay Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Boracay Officer In Charge Jonne Adaniel.

Patuloy ang kanilang monitoring upang mapangalagaan ang numero ng mga paniki sa Boracay.

Samantala, tinitingnan narin sa ngayon ng DENR ang pagkakaroon ng wildlife sanctuary sa Barangay Yapak Boracay, kung saan karaniwang makikita ang mga paniki.

Sinasabi naman na mahalaga ang papel na ginagampanan ng paniki sa kapaligiran dahil sa isa umano ito sa mga nagpaparami ng mga halaman dahil sa proseso ng “pollination” kung saan naikakalat ng mga ito ang buto ng mga halaman.

No comments:

Post a Comment