Pages

Thursday, June 05, 2014

SP Aklan, pinag-aaralan na ang position letter ng BFI hinggil sa bagong schedule ng Base Market Values

Posted June 4, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Pinag-aaralan na ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang position letter na ipinadala ng Boracay Foundation Incorporated (BFI).

Ito’y kaugnay sa bagong schedule ng Base Market Values na iminungkahi ng Provincial Assessor’s Office, kung saan planong itaas sa 200 hanggang 300 percent ang bagong bayarin sa buwis.

Bagay na tinutulan ng mga stakeholders sa bayan ng Malay at isla ng Boracay na kabilang sa may Special Base Valuation.

Ayon sa SP Aklan, kasalukuyang pinag-aaralang mabuti at ikokonsidera ang mga hinaing ng mga tax payers mula sa 17 na bayan sa Aklan lalo na sa Boracay bago ipasa ang bagong ordinansa.

Samantala, nabatid sa nakaraang SP Session na pinarerepaso na ni Aklan Gov. Florencio “Joeben” Miraflores ang bagong Base Market Values sa probinsya.

Kaya naman, sa isinagawang 18th Regular Session kanina sa SP Aklan ay napagkasunduang muling magpulong ang mga konseho at Provincial Assessor’s Office para pag-usapan ito.

Ang bagong bayarin sa buwis ay sinasabing itataas sa 200 hanggang 300 percent dahil pansamantalang isinantabi ng pamahalaang probinsyal sa loob ng siyam na taon ang General Revision ng Base Market Values, sanhi ng mga nagdaang kalamidad sa Aklan.

No comments:

Post a Comment