Pages

Friday, June 20, 2014

PCG Caticlan, magkakaroon ng mobile monitoring ngayong kapistahan ni San Juan Bautista

Posted June 20, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

www.missology.info.
Magkakaroon ng mobile monitoring ang Philippine Coastguard Caticlan ngayong darating na kapistahan ni San Juan De Bautista.

Ayon kay Chief Petty Officer Alex B. Saho ng PCG Caticlan, magsisimula umano ang kanilang mobile monitoring sa lahat ng mga baybayin sa Tangalan hanggang sa bayan ng Buruanga sakay ng kanilang motorbanca.

Aniya, makikipag-ugnayan din sila sa mga auxiliary para samahan sila sa isasagawang monitoring.

Dagdag pa ni Saho, ito ay taon-taon umano nilang ginagawa para ma monitor ang kaligtasan ng lahat ng mga taong maliligo sa dagat lalo na ngayon at may kalakasan ang alon dala ng nararanasang Habagat.

Sinabi din nito na bagamat hindi ganoon karami ang mga taong pumupunta sa Boracay tuwing San Juan ay meron din umano silang itinalagang mag pa-patrol at magbabantay sa beach area.

Ang pista ni San Juan de Bautista ay isang tradisyon ng mga Pilipino kung saan pinaniniwalaang tanda rin ito ng pagkakabinyag bilang mga Kristiyano.

Samantala, pinaalalahan naman ng Phil. Coast Guard ang lahat ng mga maliligo ng ibayong pag-iingat lalo na sa mga non-swimmer na huwag pumunta sa malayo lalo na kung ito’y lampas tao na.

No comments:

Post a Comment